Utang ng Pinas pagagaanin ng US
November 18, 2001 | 12:00am
Dahil sa ipinakitang suporta ng Pilipinas sa kampanya ng Estados Unidos laban sa terorismo, pagagaanin ng US ang pagbabayad ng bansa sa utang nito bilang reward aid package.
Sa ginanap na teleconference kahapon, nagpahayag ng matinding kagalakan ang Amerika sa ipinakita ni Pangulong Arroyo at dahil dito sinabi ni US Assistant Secretary for East Asian and Pacific Affairs James Kelly na maaaring bigyan ng US ang Pilipinas ng konsiderasyon sa pagbabayad ng mahigit 50 bilyong dolyar na utang nito gaya ng konsiderasyong ibinigay ng US sa Pakistan.
"President Arroyo was very quick to speak up, very quick to take action, not only in granting overfly rights, offer a logistic support, medical legislative accomplishment in Manila in passing the bill that would act against money laundering so there has been many kinds of cooperation and were very pleased," pahayag ni Kelly.
Sinabi pa ni Kelly na inaasahang magbubuhos ang US ng mga development projects sa bansa partikular na sa Mindanao.
Nakikipagpulong na umano ang Pangulo sa secretary ng Treasury at iba pang financial officials sa US at kung anuman ang kailangan at hilingin ng gobyerno ng Pilipinas, tiyak anyang bibigyan ito ng magandang konsiderasyon kabilang na ang pag-reschedule ng utang ng bansa.
Samantala, ipinaabot ni Pangulong Arroyo sa United Nations General Assembly ang kahandaan ng bansa na magpadala ng mga Pilipino bilang miyembro ng UN Peacekeeping Force sa Afghanistan.
Sa ginawang pagdalaw ng Pangulo sa Ground Zero ng World Trade Center site, nangako ito kay UN Secretary General Kofi Annan na handang lumahok ang bansa sa gawaing pangkawanggawa. (Ulat nina Rose Tamayo at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest