^

Bansa

Nida murder: Rod Strunk idinin ng testigo

-
Isa pang panibagong witness ang lumantad at idiniin ang Amerikanong asawa ng pinaslang na aktres na si Nida Blanca sa karumal-dumal na krimen.

Kinilala ng PNP-Task Force Marsha ang bagong testigo na si Dionisio Garcia, 38, ng Pandacan, Metro Manila.

Sa pahayag ni Garcia sa mga imbestigador, noong Nobyembre 5 sa pagitan ng alas-8 hanggang alas-9 ng gabi habang nakatambay siya ay nakita umano nito ang isang maputing lalaki na may ibinigay na makapal na sobre sa dalawang tomboy sa may service road ng Roxas boulevard.

Nang pumutok ang balitang patay na si Nida Blanca noong Nobyembre 7 at mapanood umano niya sa telebisyon ang nasabing maputing lalaki ay saka lang niya naisip na ang asawa ng aktres na si Rod Strunk ang maputing lalaki na nakita niya.

"Noong pagkalipas ‘ho ng dalawang araw ay napanood ko sa TV si Strunk at doon ko lang nalaman na siya pala ang asawa ng idolo kong si Nida Blanca," sabi ng naturang saksi.

Ang nasabing witness ay nakatakdang isailalim sa polygraph test ng Task Force Marsha at NBI upang madetermina kung nagsasabi ito ng totoo.

Samantala, hindi umano sapat ang hawak na ebidensiya ng Task Force Marsha laban sa part-time driver ng pinaslang na aktres.

Inamin kahapon ni Task Force Marsha spokesman Sr. Supt. Leonardo Espina na kahit tumugma ang left thumb finger ng driver na si Antonio Borja sa mga fingerprint na nakita sa Nissan Sentra ni Blanca ay hindi pa rin maituturing na ito nga ang pumatay.

Matapos na mag-match ang fingerprint ni Borja sa isa sa fingerprints na nakuha sa kotse ay kinabahan ang pamilya at kaanak nito sa pangambang gawin siyang "fall guy" sa kaso. Kamakalawa ay boluntaryong nagtungo sa Task Force Marsha si Borja para sabihing hindi siya ang killer.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng counter-checking at balidasyon ang PNP sa mga nakukuhang ebidensiya para maaresto sa lalong madaling panahon ang mga pumaslang kay Blanca.

Bukod sa fingerprints, ipinasailalim na ang PNP sa DNA testing ang kuko ni Blanca para malaman kung sino ang posibleng nakaaway at pumaslang s aktres. Lilitaw umano dito kung kaninong balat ang huling nakalmot o nahawakan ng biktima.

Aabot sa 4 hanggang 6 na linggo bago makuha ang resulta ng DNA tests. (Ulat ni Joy Cantos)

ANTONIO BORJA

BORJA

DIONISIO GARCIA

JOY CANTOS

LEONARDO ESPINA

METRO MANILA

NIDA BLANCA

NISSAN SENTRA

NOBYEMBRE

TASK FORCE MARSHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with