Nida murder: Driver gagawing fall guy ?
November 17, 2001 | 12:00am
Nangangamba ang mga kaanak pati na ang asawa ng driver ng pinaslang na aktres na si Nida Blanca na baka siya gawing "fall guy" ng pulisya sa nasabing karumal-dumal na kaso ng pagpaslang.
Ito ay matapos ihayag ng PNP-Task Force Marsha na ang fingerprint na nakuha sa kotse ni Blanca ay tumugma sa kaliwang hinlalaki ng part-time driver ng aktres na si Antonio Borja.
Kahapon ay boluntaryong nagtungo si Borja sa tanggapan ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group chief, P/Director Nestorio Gualberto upang linisin ang kanyang pangalan sa krimen at sabihing hindi siya ang killer.
Sinabi ni Borja na personal na siyang nagtungo sa Camp Crame dahil mistula umanong siya ang pinatatamaan ng Task Force Marsha porket siya ang driver ng aktres na paminsan-minsang nagmamaneho ng sasakyan nito sa kanyang mga importanteng lakad.
Ayon kay Task Force Marsha spokesman Sr. Supt. Leonardo Espina, kasalukuyang sumasailalim sa interogasyon si Borja, subalit wala naman umanong nakikita ritong bakas ang mga awtoridad na gumagamit ito ng droga.
Ayon kay Borja, ang huling minaneho niyang sasakyan ay ang Nissan Vannette ng pamilya ng biktima at hindi ang Nissan Sentra kung saan natagpuang patay ang aktres.
Napag-alamang huling ipinagmaneho ni Borja ang mag-asawang Strunk noong Oktubre 13, mismong kaarawan ng ina ni Blanca na si Mrs. Innocencia Acueza. Gayunman, hindi ang Sentra ang minaneho nito kundi ang Vanette.
Nabatid pa na ang Vanette rin ang siyang ginamit ni Rod Strunk sa pagpunta nito sa Atlanta Center noong madaling araw ng Nobyembre 7 ilang oras bago natagpuang bangkay si Blanca.
Ipinaliwanag pa ni Borja na nagsisilbi siyang part-time driver para sa mag-asawa mga tatlo hanggang limang beses sa isang buwan sa on-call basis, partikular na kapag may shooting sa pelikula si Blanca.
Bagamat iginigiit ni Borja na imposibleng sa kanya ang nakuhang fingerprint sa loob ng Sentra ni Blanca ay inamin ng Task Force Marsha na 100 porsiyentong kinumpirma ng isang fingerprint expert sa PNP crime laboratory na sa driver tumugma ang fingerprint.
Sa pag-aaral ng mga eksperto, tumatagal ng dalawa hanggang tatlong linggo ang isang imprint ng fingerprint sa ilang bagay na maaaring mahawakan ng isang tao.
Nilinaw pa ng opisyal na hindi lamang fingerprints ang gagamitin nilang basehan sa kanilang imbestigasyon.
Binabalak rin ng Task Force Marsha at National Bureau of Investigation na isailalim sa drug test at polygraph (lie detector) test ang 22 witnesses.
Naniniwala ang pulisya na malaki ang maitutulong ng dalawang eksaminasyon para matukoy ang pumatay sa aktres at kung sino ang nagsisinungaling sa hanay ng mga testigo.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest