^

Bansa

Nida Blanca pararangalan ng Kongreso

-
Bibigyan ng parangal ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pinaslang na aktres na si Nida Blanca dahil sa naiambag nito sa Philippine cinema at sa naging kontribusyon nito sa pagpapanumbalik ng katahimikan noong Hukbalahap era.

Sa House Resolution No.287 na inihain ni Bukidnon Rep. Juan Miguel Zubiri, sinabi nito na napakalaki ng naiambag ni Blanca sa pagpapalago ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Umaabot sa 163 pelikula ang nagawa ni Blanca sa loob ng 50 taon niya sa movie industry maliban pa sa iba’t ibang TV shows.

Lingid din umano sa kaalaman ng nakararami, naging "informal government peace negotiator" si Nida Blanca noong 1948, kapanahunan ni Presidente Elpidio Quirino at 1954 habang si Ramon Magsaysay naman ang Pangulo ng bansa.

Sinabi ni Zubiri na hanggang ngayon ay hindi pa opisyal na kinikilala ng gobyerno ang naging bahagi ni Blanca sa pagpapanumbalik sa gobyerno ng napakaraming miyembro ng Huks (Hukbong Bayan) na pinamumunuan ni Luis Taruc.

Ayon pa kay Zubiri, bagaman at naging marahas ang kamatayan ni Blanca ay dapat namang kilalanin ng pamahalaan ang magandang halimbawa na ipinakita nito sa mamamayang Pilipino lalo na sa mga kabataan. (Ulat ni Malou R. Escudero)

BUKIDNON REP

HUKBONG BAYAN

JUAN MIGUEL ZUBIRI

LUIS TARUC

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU R

NIDA BLANCA

PILIPINO

PRESIDENTE ELPIDIO QUIRINO

RAMON MAGSAYSAY

SA HOUSE RESOLUTION NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with