Milyong suhol sa jueteng tinatanggap ng Luzon PNP regional directors
November 14, 2001 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ni Senator Panfilo Lacson na milyung-milyong suhol kada buwan ang tinatanggap ng lahat ng regional director sa Luzon mula sa ilegal na operasyon ng jueteng kaya mas talamak ang pasugalan ngayon kaysa panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Sinabi ni Lacson na mas malakas at malawak ang operasyon ng jueteng ngayon sa panahon ni Pangulong Arroyo dahil kinukunsinti ng pamunuan ng PNP ang naturang sugal.
Sinabi ni Lacson na pangkaraniwang tumatanggap ng hindi bababa sa halagang P3 milyong suhol ang lahat ng regional commanders mula sa Cordillera Autonomous Region hanggang Bicol Region.
Umaabot naman sa P1.8 milyon ang tinatanggap ng provincial director at hindi matukoy na halaga sa bawat hepe ng istasyon ng pulisya at district director.
Nakatakdang ibulgar ni Lacson sa isang privilege speech ang buong detalye ng ilegal na operasyon ng jueteng sa buong Luzon kabilang ang tumatanggap ng suhol diato.
Sa CAR-PNP Regional Office na pinamumunuan ni C/Supt. Virtus Gil, tumatanggap ito ng pinakamababang P3 milyon kada buwan. Tumatanggap din ng halagang P2 milyon kada buwan si PRO1 director C/Supt. Arturo Lumibao habang P1.3 milyon buwan-buwan naman ang tinatanggap ni C/Supt. Dominador Resos Jr. na PRO2 director samantalang P3 milyon naman ang nakukuha ni Region 3 Regional Director C/Supt. Reynaldo Berroya, P4 milyong si Region 4 Regional Director C/Supt. Domingo Reyes; at P5 milyon kay Region 5 Regional Director C/Supt. Enrique Galang.
Sinabi pa ni Lacson na umaabot naman sa halagang P1.8 milyon ang tinatanggap na suhol ni National Bureau of Investigation Director Reynaldo Wycoco.
Inihayag pa ni Lacson na kahit si Criminal Investigation and Detection Group chief, C/Supt. Nestorio Gualberto ay tumatanggap din ng halagang P1.8 milyon sa ilegal na operasyon ng jueteng kada buwan gayundin si Intelligence Group Chief Director Roberto Delfin ay tumatanggap din ng P1.8 milyon kada buwan bilang jueteng payola.
Iginiit naman ni Lacson na tanging si NCRPO chief, C/Supt. Edgar Galvante ang hindi tumatanggap sa ilegal na operasyon ng jueteng dahil hindi naman masyadong talamak ang naturang sugal sa Kamaynilaan.
Binanggit pa ni Lacson na kumikita naman ng halagang P1.8 milyon si Sr. Supt. Rodolfo Boggie" Mendoza, hepe ng Pangasinan PNP sa ilegal na operasyon ng jueteng.
Sinabi pa ni Lacson na kaya nagpasa ng resolusyon ang Directorate for Plans ng PNP na humihiling sa Kongreso na amyendahan ang retirement limit ng opisyal ng PNP dahil gusto nilang tamasahin ang kinang ng suhol mula sa jueteng sa mas mahabang panahon.
Nagpasa ang PNP ng resolusyon upang amyendahan ang retirement limit sa PNP law mula sa dating 56 sa 60-taong-gulang upang mas lalo pa silang yumaman, ani Lacson. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest