Yeast vaccine pangontra sa anthrax
November 13, 2001 | 12:00am
Tatlong scientist mula sa Denver, Colorado ang nakatuklas na ang pangontra pala laban sa anthrax ay common yeast .
Sinabi ni Dr. Pat Morsen ng Denver Research Institute (DRI)na ang yeast na lalong kilala bilang pangunahing sangkap ng pandesal, beer o inuming alak ay dini-develop ngayon bilang bakuna para sa lahat ng uri ng infection bunga ng anthraxis baccilis.
Sinabi ni Morsen na dati nang ginagamit ang yeast bilang gamot sa anthrax infection na noon ay endemic lamang sa mga agrikultural na lugar dahil ito ay isa lamang sa maraming foot and mouth disease.
Unang ginamit ang yeast noong 1950 sa mga textile workers sa Texas at gayundin ng manalasa ito sa Zimbabwe noong unang bahagi ng dekada 70.
Dahil sa counter effect ng yeast o lebadura sa mga African Muslim sa Zimbabwe ay nakontrol ang pananalasa ng anthrax dito na nakapagtala ng mahigit na 1,000 kaso at kumitil ng may 236.
Sinabi ng chief pharmacist ng DRI na si Dr. Helen Yates na kayang i-culture ang yeast bilang vaccine at higit pang mapapabilis ang incubation nito na siyang kakain o sasapaw sa anthrax bacteria.
Sa paliwanag pa ng mga taga-DRI, ang yeast vaccine kapag nakulapulan na ang anthrax bacteria ay hindi na makakapaglayag pa sa ibang bahagi ng katawan at tuluyan na itong tatalunin ng yeast.
Inamin naman ng Center for Disease Control na nakabase sa Atlanta, Georgia ang bisa ng yeast kung gagamiting bakuna sa anthrax.
Pero nanatili itong walang kibo kung mabibigyan nila ng ayuda ang DRI upang maaprubahan ng American Food and Drugs ang mga sample vaccines na nadevelop ng mga taga-DRI. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended