Parking sa malls, ilibre muna ngayong Kapaskuhan

Hiniling kahapon ni Senator Renato Cayetano sa lahat ng may-ari ng shopping malls sa Metro Manila na pansamantalang suspindihin ang pangongolekta nito ng parking fees sa panahon ng Kapaskuhan.

Sinabi ni Sen. Cayetano, bilang handog ng mga mall owners sa kanilang mga customers ay dapat pansamantalang suspindihin nila ang parking fees mula December 1 hanggang January 15 bilang "regalo" sa panahon ng Kapaskuhan.

Aniya, mas lalong makakabuti kung tuluyang aalisin na nila ang pangongolekta ng parking fees dahil tungkulin naman ng bawat establisimyento na maglagay ng parking area para sa kanilang mga customers. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments