Ayon kay Sen. Legarda, may 56,000 na Filipino infants o 3.5 percent ng 1.6 milyong bata ang namamatay taun-taon dahil sa kakulangan ng mga ito ng sapat na immunization base sa ulat ng National Statistics Office (NSO) at United Nations International Childrens Emergency Fund (Unicef).
Aniya, maiiwasan sana ang pagkamatay ng mga sanggol na ito kung may sapat na immunization program sa infectious diseases.
Idinagdag pa ng mambabatas, ang pagiging mahirap ang naging hadlang para sa isang pamilya na madala sa manggagamot o ospital ang kanilang bagong panganak na sanggol upang mabigyan ito ng bakuna. (Ulat ni Rudy Andal)