^

Bansa

56 libong sanggol namamatay kada taon

-
Iginiit kahapon ni Senate Majority Leader Loren Legarda-Leviste na pondohan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Social Security System (SSS) at Government Insurance System (GSIS) ang pagbabakuna sa mga bagong panganak na sanggol upang makaiwas ito sa viral diseases.

Ayon kay Sen. Legarda, may 56,000 na Filipino infants o 3.5 percent ng 1.6 milyong bata ang namamatay taun-taon dahil sa kakulangan ng mga ito ng sapat na immunization base sa ulat ng National Statistics Office (NSO) at United Nations International Children’s Emergency Fund (Unicef).

Aniya, maiiwasan sana ang pagkamatay ng mga sanggol na ito kung may sapat na immunization program sa infectious diseases.

Idinagdag pa ng mambabatas, ang pagiging mahirap ang naging hadlang para sa isang pamilya na madala sa manggagamot o ospital ang kanilang bagong panganak na sanggol upang mabigyan ito ng bakuna. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

AYON

EMERGENCY FUND

GOVERNMENT INSURANCE SYSTEM

NATIONAL STATISTICS OFFICE

PHILIPPINE HEALTH INSURANCE CORPORATION

RUDY ANDAL

SENATE MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA-LEVISTE

SOCIAL SECURITY SYSTEM

UNITED NATIONS INTERNATIONAL CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with