Ang dating DH na si Mary Jane Bitos, asawa ni Ethier na naging paralisado dahil sa matinding tama ng bala ng baril sa kaniyang katawan at kasalukuyan pang ginagamot sa Al-Adan Hospital sa Kuwait City at ang mga OFWs na sina Teddy Tamayo, Dolores Espiritu, Jaime Binuya, Zaldy Grecia, Edgar Rubiya, Rev. Nones at isang nagngangalang Rose ay inakusahan ng Kuwaiti authority na magkakutsaba at umanoy pumaslang kay Ethier.
Ang mga nabanggit na OFWs ay pawang mga miyembro ng Christian Fellowship Congregation sa Kuwait.
Ang mga ito ay nakatakdang sampahan ng kasong murder at conspiracy na may kaparusahang bitay.
Bagamat taliwas ito sa naging salaysay at sinumpaang pahayag ni Bitos kay Philippine Ambassador to Kuwait Sukarno Tanggol ng kausapin ito ng huli sa ospital. (Ulat ni Rose Tamayo)