Gobyerno wala nang pera
November 9, 2001 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ni Senator John Osmeña na wala nang panggastos ang gobyernong Arroyo sa paghahatid ng pangunahing serbisyo sa mamamayan dahil kakainin ng pagbabayad ng utang panlabas, pasuweldo sa pamahalaan at Internal Revenue Allotment (IRA) ang halos buong budget ng pamahalaan sa 2002.
Sinabi ni Sen. Osmeña na talagang walang pera ang gobyerno kaya baka mabigong maihatid ang basic services sa mahihirap tulad ng kalusugan, pabahay, seguridad at pagkain.
Aniya, hindi naman puwedeng dagdagan ang national budget upang tugunan ang pangangailangan ng mamamayan dahil walang pera ang pamahalaan sanhi ng pagbagsak ng koleksiyon sa buwis.
Ipinaliwanag ni Osmeña mula sa P780 bilyong panukalang pambansang budget, ipambabayad ng gobyero ang halagang P204 bilyon sa utang panlabas, P134 bilyon ang mapupunta sa pagbabayad naman ng IRA, at gagamitin ang P265 bilyon sa suweldo ng mga kawani ng gobyerno.
Aniya, sa matitirang P160 bilyon, kalahati dito ay gagamitin sa maintenance and other operating expenses.
Inihayag pa ni Osmeña na lulusawin ang ilang tanggapan at ahensiya ng pamahalaan upang makatipid sa budget na siyang pangunahing alternatibo ng Kongreso.
Ngunit, sinabi ni Osmeña na masyadong mahirap gawin ang dalawang alternatibo kaya walang mapuputol sa budget.
Tiniyak ng mambabatas na ipalalabas niya sa Lunes ang listahan ng mga ahensiya, tanggapan at opisina ng pamahalaan na balak lusawin ng Kongreso sa layuning makatipid sa budget.
Para kay Osmeña, wala umanong ibang paraan kundi rebisahin ang buong panukalang budget ng pamahalaan upang tugunan ang pagbagsak ng pangongolekta ng buwis. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended