Ayon kay Desierto, may personal na galit sa kanya si Francisco matapos na idismis niya ang kasong plunder na isinampa nito laban kina dating Pangulong Estrada at dating Executive Secretary Ronaldo Zamora dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Sa isang press conference, sinabi ni Francisco na personal na tinanggap ni Desierto ang P500,000 cash sa loob ng isang hotel sa Westin Philippine Plaza noong Set. 10, 1997 kapalit umano sa kahilingan ng kliyente ni Francisco na si Mr. Luke Sy-Roxas, controlling stock holder ng BBSA na ipagpaliban ng Office of the Ombudsman ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa nawalang tseke ng Petron noong 1997 dahil sa takot ng BSA na magkaroon ng bank run.
Nag-ugat umano ang Petron scam nang mai-encash ng isang sindikatong nagnanakaw ng tseke ang P47 milyong managers check ng Philippine National Bank na pambayad ng Petron sa Bureau of Customs para sa tax duties nito.
Isang imbestigasyon ang nakatakdang gawin sana noon ng Ombudsman subalit hiniling ng BSA na ipagpaliban ito.
Upang tuluyang maipagpaliban umano ang imbestigasyon, humiling umano ang isang Ding Timbol, public relations officer ni Desierto noong Agosto 26, 1997 ng isang beta cam equipment at accessories bukod pa sa P500,000 cash. (Ulat nina Malou Rongalerios at Grace Amargo)