^

Bansa

Korte Suprema namagitan sa iringan nina Garchitorena at Badoy

-
Namagitan na ang Korte Suprema sa iringan nina Sandiganbayan Presiding Justice Francis Garchitorena at Third Division Chairman Justice Anacleto Badoy Jr. at inutusan ni Chief Justice Davide na huwag nang dalhin sa media ang kanilang bangayan.

Sa memoranum ni Davide sa dalawa, pinatitikom nito ang mga bibig nina Garchitorena at Badoy dahil mas lalo lamang lumalala ang alitan ng dalawang mahistrado kung patuloy na papatulan ang binibitiwang salita ng bawat isa na inihahatid ng media.

Paghaharapin sina Garchitorena at Badoy sa darating na Nobyembre 18 ganap na alas-12 ng tanghali sa loob mismo ng chamber ni Davide.

Naniniwala si Davide na dapat pag-usapan nina Garchitorena at Badoy ang kanilang problema ng personal at hindi na ito kailangang kaladkarin sa publiko. Umaasa umano ang punong mahistrado na maayos ng dalawa ang namuong away sa pagitan nila.

Pansamantala rin pahihintuin ang dalawa sa pagsasagawa ng press conference at pagpapa-interview sa media kaugnay ng kanilang awayan.

Sina Badoy at Garchitorena ay nagkaroon ng iringan makaraang sabihin ng huli na mas makabubuting magbitiw na lamang ito sa kanyang tungkulin bilang chairman ng Third Division ng Sandiganbayan dahil sa kahinaan umano ni Badoy na hawakan ang plunder case ni dating Pangulong Estrada.

Mariin itong itinanggi ni Garchitorena at ibinunyag nito ang mga reklamo ni Sandiganbayan Associate Justice Teresita Castro at Ricardo Ilarde na palaging huli sa kanyang mga hearing si Badoy at pala-absent. (Ulat ni Grace Amargo)

BADOY

CHIEF JUSTICE DAVIDE

GARCHITORENA

GRACE AMARGO

KORTE SUPREMA

PANGULONG ESTRADA

RICARDO ILARDE

SANDIGANBAYAN ASSOCIATE JUSTICE TERESITA CASTRO

SANDIGANBAYAN PRESIDING JUSTICE FRANCIS GARCHITORENA

SINA BADOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with