Delaying tactics sa plunder trial
November 6, 2001 | 12:00am
Muling ginamit ng mga abogado ni dating Pangulong Estrada ang isyu ng teknikalidad upang bumagal ang pagdinig ng Third Division ng Sandiganbayan sa P4 bilyong plunder case na kinakaharap ng pinatalsik na presidente.
Iginiit muli nina dating Justice Sec. Serafin Cuevas, Atty. Jose Flaminiano at dating Sen. Rene Saguisag ang sinasabing kawalan ng opisyal na pre-trial order at ang umanoy kabiguan ng korte na makonsulta ang schedule ng mga abogado ni Estrada sa petsa ng itinakdang paglilitis.
Ala-una ng hapon nakatakda ang paglilitis, pero 2:30 na dumating ang dating pangulo kasama ang anak na sina Jinggoy Ejercito at San Juan Mayor JV Ejercito.
Kahapon ay binigyan ng pagkakataon ang testimonya ni Willy Ng Ocier, dating executive ng Bell Corporation na tumestigo kaugnay sa transaksiyon ng pagbebenta ng share of stocks ng kompanya sa Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) kung saan nagkamal umano si Estrada ng P190 milyong komisyon.
Lalong naantala ang pagdinig dahil sa kasalukuyang leave of absence ng isa sa mga mahistrado ng Third Division na si Associate Justice Ricardo Ilarde.
Matinding tinutulan ng mga abogado ni Estrada sa simula pa lamang ng pagdinig ang ginawang pagpalit ni Associate Justice Rodolfo Palattao kay Ilarde.
Labis na raw nahihirapang lumakad si Estrada sanhi ng kanyang sakit sa tuhod kung kayat dapat na siyang pagbigyan na magpa-opera sa ibang bansa.
Sa isang ambush interview, sinabi ni Estrada na ipinagtataka niya kung bakit ayaw pagbigyan ni Associate Justice Anacleto Badoy ang kanyang kahilingan na huwag nang humarap sa paglilitis.
Wala na anyang dahilan upang dumalo pa siya sa paglilitis dahil tapos na ang pagbasa ng sakdal ng kanyang mga kaso at lumagda na siya sa waiver of appearance.
Nahihirapan na nga ako (lumakad), nakaupo lang naman ako kaya nagtataka nga ako kung bakit pina-aatend pa ako e, nakatanga lang naman ako at walang ginagawa, ani Estrada.
Sinabi ni Estrada na nanghihinayang din siya sa P1.3 milyon na ginagastos ng gobyerno sa tuwing dadalo siya sa paglilitis ng kanyang kaso dahil sa matinding seguridad na ibinibigay sa kanya.
Pina-aatend ako every hearing, and we are spending P1.3 million and we are in economic crisis, dagdag pa ng dating Pangulo.
Ipinahiwatig pa ni Estrada na kaya siya pinipilit na dumalo sa paglilitis ay upang makakuha ng publisidad ang kanyang paglilitis.
Whats the use? Siguro kaya ako pinapa-attend dahil pag wala ako rito, wala rin kayo (press), because of publicity siguro? pahayag pa ng dating pangulo. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest