165 kidnaper nakapila sa bitayan!
November 5, 2001 | 12:00am
Suwerte nang makasampu si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na maipabitay sa susunod na taon sa hanay ng mga kidnappers na nakapila sa death row ayon kay Senador Renato Cayetano.
Sinabi ni Cayetano na batay sa talaan ng National Bureau of Prisons (NBP), 165 kidnappers kabilang dito ang 10 babae ang nakapila ngayon sa death row na naghihintay lamang ng tamang panahon upang ito ay maisalang sa lethal injection.
Kumakatawan ang mga ito sa siyam na porsyento ng kabuuang 1,854 na nakapila sa death row hanggang buwan ng Setyembre na karamihan ay pawang mga rapist at mamamatay tao.
Nauna rito, inihayag ni Pangulong Arroyo na kanyang papayagan nang muling isalang ang mga death convicts na pawang mga kidnappers lamang matapos na hilingin ng Filipino-Chinese community ang pagpapatuloy ng bitay na sinabayan pa ang pagtaas ng antas ng krimen.
Inaasahang unang isasalang ng Arroyo administration sa death row ay sina Roderick Licayan at Roberto Lara matapos na katigan ng Korte Suprema ang unang naging desisyon ng mababang korte nang nakalipas na buwan.
Ang dalawa ay napatunayang dumukot kina businessman Joseph Co at ang secretary nitong si Linda Manaysay nang nakalipas na Setyembre 1999 sa Marikina City. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended