^

Bansa

Badoy pinipilit kumalas sa kaso ni Erap

-
Inamin sa isang pulong balitaan kahapon sa Fort Bonifacio ni 3rd Division Justice Anacleto Badoy na siya ay pinupuwersa ni Sandiganbayan Justice Francis Garchitorena na magbitiw bilang hukom sa kasong plunder na kinakaharap ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Subalit hindi naman sinabi ni Badoy kung ano ang dahilan kung bakit siya ay pilit na pinapakalas ni Garchitorena na hawakan ang kasong plunder ni Estrada.

Sinabi ni Badoy na "first time" niyang humawak ng mga sensitibong kaso tulad ngayong siya ang humahawak ng kaso sa dating pangulo ng bansa na plunder o pandarambong na may kaparusahang bitay.

Subalit lalabanan umano nito ang lahat ng pressure ukol sa nasabing kaso.

Pinabulaanan din nito ang umuugong na balita na mayroong nagaganap na suhulan sa nasabing kaso.

Kung sakaling sapilitan siyang pagbitiwin sa nasabing dibisyon ang nakatakdang papalit sa kanyang puwesto ay si Justice Teresita de Castro. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BADOY

DIVISION JUSTICE ANACLETO BADOY

FORT BONIFACIO

GARCHITORENA

INAMIN

JUSTICE TERESITA

LORDETH BONILLA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SANDIGANBAYAN JUSTICE FRANCIS GARCHITORENA

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with