Sa kaniyang talumpati, binanggit ng Pangulo ang kaniyang pasasalamat sa tiwalang ibinibigay sa kanyang liderato at muling hiniling nito ang ibayong pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
"Once more I acknowledge your faith in my leadership, I asked for a greater unity vigor and courage in pushing the national interest forward", pahayag ng Pangulo.
Sinabi ni Presidential Adviser on Political Affairs at Lakas NUCD Executive Director Jose Rufino na nasa likod ng Pangulo ang kanilang partido at nais nitong magtagumpay ang Arroyo administration.
Ito ay matapos na pagdudahan ang Lakas NUCD sa ipinalabas na press statement ng media consultant na si Ed Malay na umanoy may natanggap itong report sa pag-recruit ng young officers union sa dalawang piloto ng Philippine Airforce para sa planong kudeta. (Ulat ni Ely Saludar)