4 taon pa kay Mendoza, ibinigay ng Pangulo
November 4, 2001 | 12:00am
Hindi lamang tatlong taon gaya ng unang napabalita kundi apat na taon pang palalawigin ni Pangulong Arroyo ang panunungkulan ni PNP Chief Director Gen. Leandro Mendoza sa sandaling magretiro ito sa Marso 2002.
Sinabi ng Presidente na ang desisyon para pahabain pa ang termino ni Mendoza ay kasunod ng ulat nang umanoy demoralisasyon sa hanay ng PNP nang ihayag niyang ang ipapalit kay Mendoza ay si PNP Deputy Director C/Supt. Hermogenes Ebdane.
Pinabulaanan ng Pangulo na papalitan niya si Mendoza bagaman inamin niyang si Ebdane ang legal na kahalili sa puwesto nito kung ang pag-uusapan ay ang kanilang mga ranggo.
Sinabi pa ng Pangulo na bata pa naman si Ebdane at puwede naman siyang maghintay hanggang magretiro si Mendoza. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest