Ayon kay Zamboanga del Norte Rep. Angel Carloto sa nakaraang pulong ng special committee on food and security na dinaluhan ng Department of Agriculture, National Irrigation Administration at National Food Authority, maliban pa sa mga nabanggit na dahilan, apektado rin ang food security ng Pilipinas dahil sa military operations ng America sa Afghanistan.
Sinabi ni Carloto na mas kailangan ngayon ang ibayong pansin ng pamahalaan sa mga proyekto at programa sa pagkain dahil palala na ng palala ang sitwasyon ng kakulangan sa pagkain ng bansa.
Kung hindi umano seryosong kikilos ang gobyerno hinggil sa pagkasira ng mga likas na yaman ng bansa ay siguradong malaking problema sa pagkain ang kakaharapin ng Pilipinas. (Ulat ni Malou Rongalerios)