2 YOU officials na-promote pa

Sa kabila ng tsismis na mga utak umano ng pinaplanong kudeta para pabagsakin ang Arroyo administration, tila sinusuwerte pa ang dalawang lider ng Young Officers Union (YOU) matapos magdesisyon si PNP chief Director Gen. Leandro Mendoza na bigyan ng bago at mas magandang posisyon sina Supts. Rafael Cardeno at Diosdado Valeroso.

Si Cardeno na chief of staff at operations chief ng Land Transportation Office (LTO) at founding member ng YOU ay inilipat sa Iloilo Regional Police Office, samantala si Valeroso na nasa "floating status" ay nabigyan ng mataas na posisyon sa Police Regional Office (PRO) 9.

Epektibong hahawakan ng dalawang opisyal ang nasabing mga "juicy positions" sa darating na Biyernes.

Magugunita na ipinatawag kamakailan si Cardeno sa Camp Crame dahil isa ito sa pinagbintangan na nagpa-plano ng kudeta laban sa pamahalaang Arroyo na pinabulaanan ng una. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments