^

Bansa

Kasunduang palit-bilanggo lalagdaan

-
Beijing, via PLDT - Nakatakdang lumagda ang Pilipinas at China sa tatlong kasunduan na naglalayong pag-ibayuhin ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa paglaban sa krimen.

Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, kabilang ang extradition treaty sa pagtitibaying kasunduan nina Pangulong Arroyo at Chinese President Jiang Zemin na magbibigay daan sa tinatawag na palitan ng mga bilanggo. Sa ilalim nito, ang mga sentensiyadong kriminal ng Pilipinas at China ay pauuwiin ng kani-kanilang mga bansa para doon ipagpatuloy ang pagsisilbi ng kanilang hatol.

Samantala, naging hit sa Hong Kong si Pangulong Arroyo sa loob ng dalawang araw na pagbisita niya dito.

Pinalakpakan ang Pangulo partikular nang ipangako nitong tutugisin ng gobyerno ang mga tiwaling recruiter.

Inutusan din ng Presidente ang konsulado ng RP dito na bigyang atensiyon ang mga problemang kinakaharap ng Pinoy OFWs at kung maaari ay magkaloob ng serbisyo sa araw ng Linggo na kanilang day-off. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

BEIJING

CHINESE PRESIDENT JIANG ZEMIN

HONG KONG

INUTUSAN

LILIA TOLENTINO

LINGGO

PANGULONG ARROYO

PILIPINAS

PRESIDENTIAL SPOKESMAN RIGOBERTO TIGLAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with