^

Bansa

Pangangailangan ng nurse sa US sarado na - Ople

-
Nagbabala si Senador Blas Ople sa mamamayan partikular ang mga nurses na nagnanais magtungo sa Estados Unidos na huwag mabulag sa mga classified ads na bukas pa ang recruitment nito.

Sinabi ni Ople na siyang chairman ng Senate committee on foreign relations na tapos na ang limang taong kontrata na ibinigay ng Amerika sa mga dayuhan sa recruitment ng mga nurses at hindi dapat na magpaloko ang mamamayan sa mga matatamis na pangako at malaking suweldo.

Dahil dito, inatasan ni Ople ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na magsagawa ng pagsisiyasat dahilan sa ginagamit pa ng ilang recruitment agencies ang inaprubahan nilang ads sa kabila na ito ay tapos na.

Nakalagay sa ads na inilalathala sa mga pahayagan na sila ay nangangailangan ng maraming nurses upang punan ang malaking kakulangan ng mga nurses sa Amerika at kahit na walang CGFNS ay maaaring makapasa.

Batid anya ng marami na ang CGFNS ang pangunahing requirement ng Estados Unidos bago ka makapag-apply bilang isang nurse ngunit kakaiba ang ads na humihimok sa mga Filipino nurses na hindi na ito kailangan pa.

Kailangang pangunahan ng POEA ang pagpapaliwanag sa mga aplikante na patungong US na tapos na ang malawakang recruitment at hindi binabago nito ang requirement na kailangan ng CGFNS bago ito makapag-apply, dapat na habulin nito ang mga recruiters na siyang naglalathala pa ng ads sa kabila na tapos na ang recruitment. (Ulat ni Rudy Andal)

AMERIKA

BATID

DAHIL

ESTADOS UNIDOS

KAILANGANG

OPLE

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

RUDY ANDAL

SENADOR BLAS OPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with