Secret air deal ng DOTC sa pagitan ng RP-Singapore iimbestigahan sa Senado
October 29, 2001 | 12:00am
Pinaiimbestigahan sa Senado ng samahang Save Our Skies, Inc. (SOS) ang umanoy isa pang kontrobersiya na kinasasangkutan ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Pantaleon Alvarez nang makipagtransaksiyon ito kay Singapore Prime Minister Yeo Cheow Tong noong Agosto 25, 2001 sa tinaguriang Confidential Memorandum of Understanding on Air Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Republic of Singapore.
Sa liham na ipinadala ni SOS President Robert Lim Joseph kay Senador Ralph Recto kamakailan lang ay humingi ito ng tulong para ipabusisi sa Senado ang legality, timeliness and fairness: ng naturang kasunduan na sinasabing makapagdudulot ng malaking pinsala sa interes ng Pilipinas kundi man isang tuwirang ilegal na kasunduan.
Ayon kay Joseph, ang SOS ay isang non-government organization (NGO) na nagtataguyod ng graduwal na liberalisasyon ng civil aviation industry at kinapapalooban ng mga pangulo ng Network of Independent Travel Agencies (NITAS); Philippine Tour Operators Association (PHILTOA); Air Forwarders Association (AFA); at Philippine Air Lines Employees Association (PALEA) na may mahigit sa 800 miyembro.
Ipinaliwanag ng liham ng SOS kay Recto na sa pamamagitan ng open skies policy, ang mga foreign aircraft ay maaaring magbaba at magsakay ng mga pasahero sa Pilipinas nang walang restriksiyon.
At nanganganib dyan sa Open Skies policy ang mga local airline industry, particular na ang PAL, gayundin ang iba pang negosyo sa bansa na lalamunin ng mga foreign investors, sabi pa ni Joseph.
Sinabi pa ni Joseph na ang secret air deal sa pagitan nina Pantaleon at Tong ay taliwas sa industry advisories na nagmumungkahi ng bilateral agreements sa pagitan ng Japan at Korea na may lumalawak na market sa halip na makipagkasundo sa Singapore.
Nang itanong kay Recto kung ano ang gagawin nitong aksiyon sa umanoy secret air deal" ng DOTC sa pagitan ng RP-Singapore, tahasang sinabi ng senador na the issue merits the attention of the senate and government official who has deliverately misused or abused public trust will be made responsible.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am