Kuta ng ASG sinalakay; 10 napatay
October 28, 2001 | 12:00am
Sampung miyembro ng Abu Sayyaf Group ang napatay habang dalawang sundalo ang nasugatan makaraang lusubin ng tropa ng pamahalaan ang pinagkukutaan ng mga rebeldeng bandido at makasagupa ang may 35-kataong grupo nina Commander Robot at Commander Mujib Susukan sa isang liblib na lugar sa Talipao, Sulu kahapon ng madaling araw.
Sa pahayag ni AFP Southcom Chief Lt. Gen. Roy Cimatu, naganap ang engkuwentro bandang alas-4:45 ng madaling araw sa Sitio Tiis, Talipao. Nagsasagawa ng combat operations ang mga tauhan ng 53rd Infanty Batallion (IB) ng makasagupa ang mga armadong bandido.
Kinilala ang isa sa napatay na si Omar Sahibul, subcommander ng Sayyaf, anak nito at walo pang bandido. Gayunman,sinabi ni Cimatu na lima lamang sa mga bangkay ang narekober dahil mabilis na binitbit ng mga bandido ang nalagas nilang kasamahan.
Nakarekober ang mga sundalo ng mahigit sa 10 assault rifles, dalawang M203 grenade launchers at isang kalibre .45 pistol. Nakakumpiska rin ang militar ng mga dokumento at identification cards kung saan nalaman na si Sahibul ay isang government village leader habang nagsisilbi ring Abu Sayyaf guerilla.
Ayon pa kay Cimatu, ang nasamsam na mga armas ay pinaniniwalaang pag-aari nina Robot at Susukan dahil karaniwang ang mga opisyal ng ASG ang may ganitong matataas na kalibre ng armas. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest