3 taon extension kay Mendoza bilang PNP chief
October 28, 2001 | 12:00am
Kinukonsidera ni Pangulong Arroyo na bigyan pa ng 3-taong extension si P/Gen. Leandro Mendoza bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) bago ito magretiro sa Marso ng susunod na taon, taliwas sa nauna niyang pahayag na si PNP Deputy Director Gen. Hermogenes Ebdane ang itatalaga bilang hepe ng PNP sa pagreretiro ni Mendoza.
Sinabi ito ng Pangulo sa isang eksklusibong panayam ng PSN kahapon.
"Hindi naman nangangahulugang awtomatikong uupo si Ebdane sa Marso dahil puwede kong i-extend ng 3 taon pa si Mendoza," anang Pangulo.
Ang pangalan ni Ebdane ay lumutang matapos umugong ang balita na si C/Supt. Reynaldo Berroya ang magte-takeover bilang PNP head.
At para umano matigil na ang agawan sa pamunuan ng PNP ay ibinunyag ng Pangulo na si Ebdane ang susunod na hepe ng PNP.
"Ang susunod na PNP chief is General Ebdane at alam naman ni General Berroya yon. Im sure General Berroya never said he will be the next one, may nang-iintriga lang sa kanya," naunang naging pahayag ng Pangulo. (Ulat ni Al Pedroche- Editor-in-chief)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 1, 2024 - 12:00am
November 29, 2024 - 12:00am