P1.8M gamot ng DOH nawawala
October 26, 2001 | 12:00am
Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng Mandaluyong police ukol sa nawawalang P1.8 milyong halaga ng gamot ng Department of Health (DOH) para sa regional offices nito sa lungsod na ito.
Humingi ng tulong si DOH Director of the Center for Health Development (CFHD) ng Mandaluyong police ukol sa pagkawala ng tinatayang 672 kahon ng gamot sa opisina nito sa Welfare Compound, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong.
Ayon kay PO3 Robert Eugenio, itoy matapos na iulat ng nurse na si Imma Javier ang pagkawala ng gamot na Loratidine (Claritin) 10 mg. na tablets. Humingi umano siya ng ilang piraso nito noong Okt. 9 sa mga stockmen na sina Alvin Barros at Goresmundo Macatuno ngunit walang naibigay sa kanya dahil sa na-ideliver na raw ang mga ito.
Dito napuwersang magsagawa ng imbentaryo si Javier kung saan nadiskubre niya ang mga nawawalang gamot. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest