Nilinaw ni Cardeno na wala siyang alam sa lumabas na report na siya ang itinuturong "utak" sa planong kudeta laban sa pamahalaang Arroyo.
"Walang balak ang YOU, Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa at Urban Poor Liberation Front na magsagawa ng kudeta laban sa kasalukuyang administrasyon," sabi ni Cardeno pero inamin nito na nais nila ng reporma sa gobyerno lalo na sa hanay ng militar.
Kinumpirma nito na kinausap siya kamakalawa ng Pangulo na puntahan si PNP Chief Leandro Mendoza para sagutin ang ilang katanungan kaugnay ng coup rumor.
Simabi ni Cardeno na dahil sa wala namang plano ang YOU na gibain ang kasalukuyang pamahalaan ay personal siyang nagtungo sa Camp Crame at ipinaliwanag na wala siyang nalalaman sa coup plot. Pinigil siya hanggang alas-4 ng madaling araw kahapon at pinayagan lamang makaalis nang isumite niya ang kanyang affidavit na nagsasaad ng panig niya sa isyung destabilization plot.
Ayon naman kay PNP chief Mendoza na totoong inimbitahan nila si Cardeno dahil na rin lumutang ang pangalan nito na siyang nagpaplanong pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon.
Pero hindi umano naging "cooperative" o nakipagtulungan kaagad sa kanila ang YOU leader kaya natagalan ito sa kostudya ng Crame.
Nagbanta naman si Mendoza na marami pa silang police officers na iimbitahan sa hinaharap oras na makumpirma nila ang mga bintang sa mga ito na kasabwat sa anumang tangkang pagpapabagsak sa gobyerno. (Ulat nina Joy Cantos/Angie dela Cruz)