Ito ay matapos na ianunsiyo ng LTO Drug Test Committee na pinamumunuan ni Atty.Percival Cendana na naisumite na nila sa Department of Transportation and Communications (DOTC) ang may 113 private companies na nagsipag-apply sa LTO upang sila ang makapangasiwa ng drug test nationwide.
Lalagdaan ito ngayong linggo ni DOTC Sec. Pantaleon Alvarez para mapayagan silang makapagsagawa ng drug test na ipinatutupad ng LTO sa mga aplikante at renewals ng drivers license.
Layunin ng drug test para sa mga drivers ay upang masawata ang aksidente sa mga lansangan at maalis na ang mga drivers na gumagamit ng droga. (Ulat ni Angie dela Cruz)