Senado nabulabog sa shabu at 'damo'
October 24, 2001 | 12:00am
Nabulabog ang session hall ng Senado matapos matagpuan ang isang reading glass case na naglalaman ng aluminum foil na may residue ng shabu at isang stick ng marijuana na nakalagay sa upuan na nakareserba umano sa mga staff ni Sen. Ralph Recto.
Napulot umano ang case ng isang staff ni Sen. Noli de Castro sa left wing bandang alas-5:45 kamakalawa ng hapon pagkatapos ng sesyon ng Senado.
Pinaiimbestigahan na ng liderato ng Senado sa Office of the Senate Sergeant-at-Arms na pinamumunuan ni B/Gen. Leonardo Lopez kung sino ang nagmamay-ari ng nasabing case.
Natuklasan naman mula sa video na recorded kamakalawa na matagal nang nabakante ang nasabing upuan na kinakitaan ng nasabing case at iba-ibang tao na ang naupo dito.
Payag naman ang karamihan sa mga senador na sumailalim sila sa drug test pati ang kanilang mga staff, pero tumututol si Senate Minority Floor Leader Aquilino Pimentel Jr. dahil itinuturing niya itong paglabag sa karapatang pantao.
Wala pang malinaw na resultang ipinalalabas ang OSAA para matukoy kung sino ang may-ari ng case na may lamang droga. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am