Maghanda sa bulutong
October 23, 2001 | 12:00am
Pinaghahanda na ng World Health Organization (WHO) ang mga bansa laban sa nakamamatay na smallpox virus (bulutong) bunsod na rin ng babala ng US Federal Bureau of Investigation na may mga intelligence information na gagamit na ang mga terorista ng kanilang naka-imbak na chemical weapon bilang ganti na rin sa patuloy na ginagawang pag-atake ng America sa Afghanistan.
Dahil dito, inalarma ngayon ng United Nations ang mga bansang kasapi nito na pag-aralan kung kailangan nang muling magsagawa ng innoculation sa taumbayan laban sa smallpox.
Ayon sa ibinigay na babala ng UN, ang smallpox ay kasama sa "11 diseases" na maaring gamitin ng mga terorista o bansang may naka-stockfile na biological weapons sa anumang digmaan. Sa loob lamang ng tatlong buwan ay kakalat umano ang smallpox sakaling pawalan na ang germ warfare ng mga terorista.
Hiniling ni Iain Simpson, spokesman ng WHO-Communicable Diseases na kailangang tingnan ng mga kasaping bansa kabilang na ang Pilipinas ang kanilang level of preparedness para makatugon sa mga ganitong uri ng pag-atake dahil ang nasabing virus ay airborne at mabilisan kung kumalat at nakahahawa.
Sinabi naman ni Gro Harlem Brundtland, WHO director general na natigil na ang paggawa ng vaccine laban sa smallpox matapos itong masugpo noong 1975.
Ngunit hinihinalang bukod sa America at Russia ay nagawa ng mga bansang kumikiling sa terorismo na makakuha ng sample nito at nagawang ma-cultured at makapag-imbak pa at magamit bilang biological weapon.
Ang smallpox na sanhi ng "variola major virus" ay makikita sa mga sintomas na lagnat, trangkaso, pananakit ng ulo at kalat-kalat na lapnos o parang taghiyawat na nagtutubig-tubig na butlig. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest