^

Bansa

Bagong umento pagtiyagaan muna - GMA

-
SHANGHAI, China (via PLDT ) - Umapela kahapon si Pangulong Arroyo sa mga manggagawa na pagtiyagaan muna ang pinagtibay na dagdag na umento dahil may nararanasan pang krisis sa kasalukuyan at mahina ang ekonomiya ng bansa.

Ang panawagan ay ginawa ng Pangulo matapos aprubahan ng National Capital Region Tripartite Wages and Productivity Board (NCRTWPB) ang P30 dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa.

Aminado ang Pangulo na maliit lamang ang nasabing umento subalit mas makabubuting ito ay pagtiyagaan muna dahil pauna pa lang naman ito at may mga susunod pang pagtaas sa sahod.

Ang P30 inaprubahang umento ay mas maliit sa hinihingi ng sektor ng manggagawa sa bansa sa gitna ng mahirap na pamumuhay at mataas na bilihin. (Ulat ni Ely Saludar)

AMINADO

ELY SALUDAR

MANGGAGAWA

NATIONAL CAPITAL REGION TRIPARTITE WAGES AND PRODUCTIVITY BOARD

PANGULO

PANGULONG ARROYO

ULAT

UMAPELA

UMENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with