Mikey payag ipadala sa Afghanistan
October 19, 2001 | 12:00am
Payag si Pangulong Arroyo na ipadala ang kanyang anak na si Pampanga Vice Governor Mikey Arroyo para makipaglaban sa Afghanistan.
Ito ang naging tugon kahapon ng Pangulo sa protestang ibinandera ng mga militanteng grupo na tumututol sa ginagawang pagsuporta ng pamahalaan sa US.
Sa ginanap na protest rally, isinigaw ng mga demonstrador na "Bakit hindi ang kanyang anak ang ipadala sa Afghanistan?"
Ayon sa Pangulo, handa siyang papuntahin si Mikey sa Afghanistan para ipakitang desidido siyang isulong ang pandaigdig na kampanya laban sa terorismo, pero sinabing ang pagsuporta ng pamahalaan ay hindi ang pagpapadala ng mga sundalong Pilipino sa Afghanistan kundi ang pagpapahintulot sa paglapag ng mga US warplanes at warships para sa pagkakarga ng gasolina ng mga ito. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest