Pinay DH namatay sa rabies
October 17, 2001 | 12:00am
Isang Pinay domestic helper sa Hong Kong ang iniulat na namatay dahil sa rabies.
Ang biktimang si Lorna Capayan, 37, tubong Nueva Viscaya, ay inireport na nasawi noong Setyembre 28 pero bago ito, isang linggo na ang nakararaan nang isugod ito sa ospital dahil sa mataas na lagnat, panghihina at hirap sa paghinga.
Ayon sa kaanak ni Capayan, nasorpresa sila sa diagnosis sa biktima dahil wala umanong nababanggit sa kanila si Capayan na nakagat ito ng aso sa Pilipinas kaya di nila mapaniwalaan na rabies ang sanhi ng pagkamatay nito.
Inaalam na ng opisyal ng Philippine consulate kung sa HK o sa Pilipinas nakagat si Capayan.
Si Capayan na may tatlong anak ay galing ng Singapore at nagtrabaho bilang katulong at may tatlong buwan pa lang sa Hong Kong at naglilingkod sa isang pamilya sa Sai Kung.
Ang huling naitalang kaso ng rabies sa HK ay noong 1981 at ito ang ikalawang insidente.
Nakatakdang iuwi sa bansa ang bangkay ni Capayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am