Sa kasalukuyan ay nasa 12 na ang bilang ng mga na-infect ng sakit, kabilang dito ang isang 7-month-old sanggol na lalaki na anak ng isang producer ng ABC TV sa Florida.
Agad binigyan ng antibiotics ang may 50 kataong staffers at mail handlers sa naturang opisina ni Daschle habang isinailalim sa quarantine ang gusali.
Sa White House, sinabi ni US President George Bush na malaki ang posibilidad na ang naganap sa US Senate at iba pang kaso ng anthrax sa America ay may kaugnayan kay Islamic militant Osama bin Laden. Bagamat wala pa silang matibay na ebidensiya para ituro kay bin Laden ang sisi sa pagpapakalat ng hinihinalang biological warfare agent, sinabi ni Bush na malinaw na si bin Laden ang demonyo.
"We have no hard data yet but it is clear that Mr. bin Laden is an evil man," wika ni Bush.
Inatasan na ang mga congressional staffers na huwag agad magbukas ng mga sulat hanggat hindi nasusuring mabuti.
Nauna rito, napaulat na maging si US Rep. Patrick Kennedy at siyam pang office workers ang sinuri sa posibleng anthrax exposure noong Lunes matapos makadebelop ng skin rash ang isang empleyado nito.
Pinabulaanan naman ito ng tanggapan ni Kennedy. Totoo umanong may isang babae na nagkaroon ng skin rash, pero ito lamang ang sinuri at hindi kasama si Kennedy.
Si Kennedy ay anak ni Massachusetts Sen. Edward Kennedy.