Sa report na ipinarating kahapon sa Department of Foreign Affairs ng ambassador ng bansa sa Kuwait na si Sukarno Tanggol, naglalakad sa isang palengke sa Kuwait ang Pinay na si Mary Jane Vitos at asawang si Luc Eithier nang isang lalaki na sumigaw muna ng mga katagang "allahu-akhbar" na ang ibig sabihin sa salitang Ingles ay "God is great" saka pinagbabaril ng apat na beses si Luc na agad namatay, bago binaril ng tatlong beses si Mary Jane na tinamaan sa balikat, kaliwang kamay at likuran.
Nasa intensive care unit (ICU) ngayon ng Al-Adan Hospital sa Kuwait si Mary Jane.
Ayon kay DFA spokesman Victoriano Lecaros, wala pang konklusyon na may kaugnayan sa jihad ang nasabing insidente kaugnay sa pag-atake ng America sa Afghanistan at wala pa ring travel advisory na ipinapalabas ang DFA sa mga Pinoy sa Middle East. (Ulat ni Rose Tamayo)