^

Bansa

Canadian national at asawang Pinay pinagbabaril

-
Isang Pinay at asawa nitong Canadian national ang pinagbabaril ng di pa nakikilalang suspek kamakalawa sa Kuwait na ikinasawi ng huli.

Sa report na ipinarating kahapon sa Department of Foreign Affairs ng ambassador ng bansa sa Kuwait na si Sukarno Tanggol, naglalakad sa isang palengke sa Kuwait ang Pinay na si Mary Jane Vitos at asawang si Luc Eithier nang isang lalaki na sumigaw muna ng mga katagang "allahu-akhbar" na ang ibig sabihin sa salitang Ingles ay "God is great" saka pinagbabaril ng apat na beses si Luc na agad namatay, bago binaril ng tatlong beses si Mary Jane na tinamaan sa balikat, kaliwang kamay at likuran.

Nasa intensive care unit (ICU) ngayon ng Al-Adan Hospital sa Kuwait si Mary Jane.

Ayon kay DFA spokesman Victoriano Lecaros, wala pang konklusyon na may kaugnayan sa jihad ang nasabing insidente kaugnay sa pag-atake ng America sa Afghanistan at wala pa ring travel advisory na ipinapalabas ang DFA sa mga Pinoy sa Middle East. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AL-ADAN HOSPITAL

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ISANG PINAY

LUC EITHIER

MARY JANE

MARY JANE VITOS

MIDDLE EAST

ROSE TAMAYO

SUKARNO TANGGOL

VICTORIANO LECAROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with