^

Bansa

National museum posibleng maputulan ng tubig at kuryente

-
Napipintong maputulan ng supply ng kuryente at tubig ngayong katapusan ng Oktubre ang National Museum dahil sa hindi nito pagbabayad ng milyong utang.

Sa nakaraang budget hearing ng sub-committee on Appropriations na pinamumunuan ni Quezon Rep. Aleta Suarez, sinabi ni National Museum Executive Dir. Cecilio Salcedo na ang tatlong building na pinatatakbo ng kanyang tanggapan, ay may pagkakautang sa Meralco na P8 milyon at sa tubig naman ay P300,000 base sa huling tala noong Setyembre ng taong kasalukuyan.

Ang tatlong buildings ay kinabibilangan ng old congress na siyang pinamamahayan ng National Museum; ang dating Finance building na ngayon ay Museum of the Filipino People at ang Planetarium.

Sinabi ni Salcedo na dapat sana ay noong Setyembre pa ito naputulan ng serbisyo ng ilaw at tubig, nailigtas lamang umano ito dahil sa P1.2 milyong personal na donasyon mula kay businessman Tony Boy Cojuangco.

Niliwanag ni Salcedo na upang makatipid sa paggamit ng kuryente, binawasan na nila ang oras ng pagpasok sa museum mula sa dating alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon kung saan ginawa itong mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon.

Nagbawas din ng kalahati ng security force nito na nagbabantay sa museum na pinaglalagyan ng mga pinakaimportanteng cultural, historical at prized artifacts ng bansa. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ALETA SUAREZ

CECILIO SALCEDO

MALOU RONGALERIOS

MUSEUM OF THE FILIPINO PEOPLE

NATIONAL MUSEUM

NATIONAL MUSEUM EXECUTIVE DIR

QUEZON REP

SALCEDO

SETYEMBRE

TONY BOY COJUANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with