P417-B nalulugi sa LTO kada taon dahil sa mga fixers
October 11, 2001 | 12:00am
Umaabot sa halagang P417 bilyon ang nawawalang kita ng Land Transportation Office (LTO) kada taon dahil sa naglipanang mga fixers at mga fly-by-night insurance company para sa lahat ng mga nairerehistrong sasakyan sa buong bansa.
Ito ang inamin ni Col. Raffy Cardeno, operations chief ng LTO sa ginanap na lingguhang press conference sa nasabing ahensiya kahapon.
Binigyang diin ni Cardeno na dulot nang nagaganap na katiwalian sa pagkuha ng mga insurance dahil sa mga fly-by-night insurance company at mga fixers, malaking salapi ang nawawala sa kita ng ahensiya.
Bunsod nito, inanunsiyo ni Cardeno na patuloy na pinag-aaralan ng Insurance Commission at ng LTO na maglaan na lamang ng isang sistema sa pagkakaloob ng insurance sa lahat ng mga nairerehistrong sasakyan.(Ulat ni Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended