Ayon kay Arroyo, walang maiharap na ebidensiya o testigo si Rivero para patotohanan ang kanyang mga akusasyon na ginamit ang pondo ng PCSO para sa kapakanan ng mga administration senatorial candidates nitong nakaraang halalan.
Una nang ibinunyag ni Rivero na dawit umano si First Gentleman Mike Arroyo sa paggamit ng naturang pondo para tustusan ang kandidatura nina Senators Arroyo at Juan Flavier at dating Bulacan Gov. Roberto Pagdanganan.
Sinabi ni Arroyo na nag-iikot si Rivero kasama ang legal aide ni Sen. Edgardo Angara na si Atty. Demaree Raval para maghanap ng magiging testigo para suportahan ang alegasyon nito pero nabigo ang mga ito.
Samantala, ipatatawag ng Ombudsman si Rivero sa oras na isulong na nila ang fact finding investigation sa umanoy paglustay ng P250M pondo ng PCSO. (Ulat nina Rudy Andal at Grace Amargo)