^

Bansa

Mga Pinoy binawalang magbiyahe sa Pakistan

-
Nagpalabas kahapon ng travel advisory ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lahat ng mamamayang Filipino na huwag munang bumiyahe patungong Pakistan dahil mataas ang level ng tensiyon doon dulot na rin ng nagaganap na US attack sa Afghanistan.

Sa advisory ni Vice President at DFA Secretary Teofisto Guingona bago ito umalis papuntang Prague, Czech Republic, maging ang 600 mga Pinoy na kasalukuyang nasa Pakistan ay pinag-iingat na at pinayuhan na rin ng embahada na huwag nang lumabas sa kani-kanilang mga tahanan dahil baka mapag-initan ng mga anti-American groups na nagpoprotesta.

Sa kasalukuyan ay inaareglo na ng DFA ang ilang commercial flights na maglilikas sa mga Pinoy doon kasabay ng hiling sa pamahalaan na magpalabas ng P25 milyon para sa contingency fund.

Pinaghahanda na rin ang embahada ng Pilipinas sa India dahil dito dadalhin ang mga ililikas na mga Filipino sa Pakistan sakaling lumala ang giyera. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

CZECH REPUBLIC

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

NAGPALABAS

PILIPINAS

PINAGHAHANDA

PINOY

ROSE TAMAYO

SECRETARY TEOFISTO GUINGONA

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with