Sinabi ni Oreta na labis na siyang naalarma nang kanyang mabatid ang panloloob sa mataong SM City North EDSA kamakalawa na sa kabila ng maraming security guards ay nagawa pa nitong nakawan ang money changer at dalawang jewelry stores sa loob mismo ng mall na nasaksihan ng libu-libong nahintakutang mamamayan.
Bukod dito, kabit-kabit na naman ang kidnapping sa mga Filipino-Chinese at ilan pa sa mga ito ang pinatay sa kabila nang pagbabayad ng ransom sa kanilang mga abductors.
Hindi biro ang mga pangyayaring ito na nagsunud-sunod na naman ang malalaking krimen sa bansa kabilang ang pagdukot sa may-ari ng Lianas chain of supermarkets at ang panloloob sa SM City ayon kay Oreta.
Kamakailan lamang ay nagpahayag si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng kumpiyansa sa kakayahan ng PNP upang sugpuin ang kriminalidad sa bansa lalo na ang pagdakip sa mga suspects sa likuran ng pag-kidnap at pagpatay kay Connie Yap Wong at ang pagdukot sa isa pang Filipino-Chinese sa San Fernando City ang siyang magiging daan ng pagkatakot ng mga masasamang loob.
Ngunit dahilan sa mabagal na pagkilos ng PNP, dinagdagan pa ang sakit ng ulo nito at dalawa pang prominenteng negosyante ang dinukot at sinabayan pa ng panloloob sa SM City sa loob lamang ng isang Linggo.
Kayat kailangan na ang malawakang revamp. (Ulat ni Rudy Andal)