Warrantless arrest sa nanggugulpi ng asawa,ka-live-in ipinanukala
October 6, 2001 | 12:00am
Mga abusadong asawa na ang tanging alam ay manakit ng kanilang misis, malapit nang matapos ang inyong pagmamalupit.
Sa iniharap na panukalang batas ni opposition Senator Teresa Aquino Oreta, pahihintulutan ang pag-aresto sa sino mang magmalupit sa kanyang asawa o live-in partner kahit na walang warrant of arrest.
Layunin ng Senate Bill 864 na gawing isang krimen ang domestic violence at bigyan ng proteksiyon ang mga kababaihan laban sa ano mang uri ng pang-aabuso.
Sinabi ni Oreta na sa pamamagitan ng bill ay hindi na kailangang magtiis pa ang mga kababaihang biktima ng pang-aabuso at pagmamalupit ng kanilang mga asawa.
Panahon na, ayon kay Oreta, upang aminin ng gobyerno na ang domestic violence ay hindi lamang paglabag sa karapatang pantao kundi problemang panlipunan.
Aniya, ang domestic violence o pang-aabuso ay ipinalalagay na isa lamang problema ng kababaihan at hindi isang balakid sa pagsulong ng bansa.
Ipinagbabawal sa nasabing bill ang pang-aabuso at pananakit ng asawa sa kanyang misis, dating misis, live-in partner o ina ng kanyang anak.
Kabilang sa mga pang-aabuso sa ilalim ng panukala ay ang pisikal na pananakit, hindi pagkakaloob ng pinansiyal na suporta, pag-alis sa karapatan sa kanyang mga anak at iba pang miyembro ng pamilya, sexual abuse, at ang pagsunod ng lalaki sa kanyang misis o live-in partner sa trabaho o sa kanyang bakuran na walang pahintulot.
Ito rin ang parusang maaaring ipataw o pagmumulta sa pulis na tatangging tumulong sa mga biktima ng pang-aabuso.
Isa rin sa mahalagang probisyon ng bill ay ang pagkakaroon ng protective custody o injuction mula sa barangay captain o korte upang pigilan ang abusadong mister na saktan ang kanyang asawa o partner. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 17 hours ago
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Ludy Bermudo | 17 hours ago
Recommended