^

Bansa

Erap, Jinggoy inabandona ng mga abogado sa plunder trial

-
Itinuloy kahapon ng mga abogado ni dating Pangulong Estrada ang bantang iboykot ang gagawing paglilitis ng Sandiganbayan sa kaso nitong plunder matapos na wala ni isa sa kanyang mga abogado ang sumipot kahapon sa itinuturing na trial of the century.

Ang mag-amang Estrada ay sinundo ng kanilang mga police escorts mula sa Veterans Memorial Medical Center patungo sa Sandiganbayan.

Ito ay makaraang magbanta ang Ombudsman na kakaladkarin si Estrada patungong Sandiganbayan matapos itong magpahayag na hindi sisipot sa kanyang plunder trial.

Naka-maong na pantalon, t-shirt, jacket at naka-tsinelas lamang ang mag-ama ng dumating sa korte na isang oras at kalahating huli sa nakatakdang ala-una ng hapon na paglilitis.

Napilitang dumalo ang mag-ama matapos payuhan ni dating Supreme Court Justice Andres Narvasa si Estrada para umano makaiwas sa gulo.

Matapos ang ilang minutong paliwanagan, mapayapang nakumbinsi ng mga elemento ng PNP ang dating pangulo na humarap sa Sandiganbayan para sa kanyang kasong economic plunder.

Sinabi ni Police Community Relations Chief, Director Thompson Lantion na hindi nanlaban sa kanila si Estrada at lalong hindi umano sila gumamit ng puwersa upang maihatid ito sa korte dahil maayos nilang ipinaliwanag dito na tumutupad lamang sila sa kanilang tungkulin.

Dahil walang abogado, ipinilit ng mga hukom ng Third Division ng anti-graft court sa pamumuno ni Associate Justice Anacleto Badoy na tumayong abogado ng mag-amang Estrada ang abogado ni Edward Serapio, isa ring akusado sa naturang kaso.

Inutos ng mga hukom na idepensa ni Atty. Sabino Acut ang mga Estrada, subalit tinanggihan ito ng abogado dahil wala umano itong alam sa kaso ng dating pangulo.

"The Ombudsman want me to be carried bodily in going here. That’s judicial terrorism and that’s uncalled for. I am willing to come here, if the court order reached me," pahayag ni Estrada.

"Hindi ako talaga handang dumalo dito and I’m not even dressed up, kaya lamang sinunod ko na rin ang payo ni Justice Narvasa para matigil na rin ang gulo at batikos," wika pa ng dating pangulo. (Ulat ni Malou Rongalerios at Joy Cantos)

ASSOCIATE JUSTICE ANACLETO BADOY

DIRECTOR THOMPSON LANTION

EDWARD SERAPIO

ESTRADA

JOY CANTOS

JUSTICE NARVASA

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG ESTRADA

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with