^

Bansa

Kanser sa utak ibibilang sa occupational disease

-
Ipinanukala kahapon ni Iloilo Rep. Narciso Monfort na ibilang ang sakit na brain tumor o brain cancer bilang isang occupational disease, ito ay kung ang isang manggagawa ay nagkaroon ng sakit sa panahon ng kanyang pagtatrabaho o paninilbihan sa isang kumpanya.

Ayon kay Monfort, kung ibibilang ang cancer sa occupational disease ay makasisiguro ang mga empleyado na makakakuha sila ng benepisyong medikal sa oras na hindi na niya kayang magtrabaho.

Ipinaliwanag ni Monfort na nakakaawa ang mga biktima ng brain cancer na hindi makakuha ng benepisyo sa Employees Compensation Commission (ECC) at Government Service Insurance System (GSIS) dahil lamang sa hindi kabilang ang sakit na ito sa occupational disease base sa kasalukuyang batas.

Ang panukala ni Monfort ay kaugnay sa naging desisyon kamakailan ng Supreme Court kung saan ibinasura ang petisyon ng isang empleyadong may brain cancer laban sa GSIS dahil hindi ito kasama sa mga compensable occupational disease.

Bagaman naaawa umano ang ilang miyembro ng SC sa kanilang naging hatol ay wala naman silang magawa kundi maglabas ng desisyon na naaayon sa umiiral na batas. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

BAGAMAN

EMPLOYEES COMPENSATION COMMISSION

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

ILOILO REP

IPINALIWANAG

MALOU RONGALERIOS

MONFORT

NARCISO MONFORT

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with