Acop lalaban sa Senado, pag-ipinilit buksan ang bank account
September 28, 2001 | 12:00am
Handang lumaban si dating PNP Nargroup Director, P/Chief Supt. Reynaldo Acop sa Senado sa sandaling ipagpilitan ng mga ito na buksan ang kaniyang bank account sa UCPB-San Juan kaugnay na rin ng kasong drug trafficking na ipinaparatang laban sa kaniya ni Mary Ong alyas "Rosebud." "Labag yan sa bank secrecy law kaya di ako papayag na pakialaman nila pati ang bank account ko dahil karapatan ko na ang sasagasaan nila," pahayag ni Acop.
Ayon kay Acop, hindi naman na-encash ni Ong ang ibinigay niyang tseke para sa personal na pangangailangan nito kung kaya hindi niya maisip kung ano ang basehan ng Senado partikular ni Sen. Aquilino Pimentel para siyasatin ang kanyang personal bank account.
Nagpahayag din ng pagkadismaya si Acop dahil nagmumukha na umanong "circus" ang Kapulungan. "Sa proper forum na lamang sana ituloy, sa Ombudsman. Doon lahat may pagkakataon na ibigay ang ebidensiya nila at doon na rin namin sasagutin ang mga accusations sa amin. Hindi tulad sa Senado na nagiging circus na katulad noong humihingi pa ako ng lifeline dahil hindi makasagot yung iba kong kasama, nagiging trial by publicity lang ang nangyayari," wika ng heneral. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended