Ayon kay Andaya, chairman ng House appropriations committee, tanging mga ambulansiya, military at police patrol vehicles, road construction equipment, bangka at mga sasakyang para sa mass transport ang papayagang bilhin.
Sinabi ni Andaya na sa ilalim ng kasalukuyang appropriations law ay pinapayagan ang Pangulo na bumili ng luxury cars, pero inayawan ito ng Pangulo.
Sa halip, nagpataw ito ng ban sa mga bagong sasakyan at iniutos ang auction sa mga luxury cars na pag-aari ng gobyerno.
Ang direktiba ng Pangulo ay nakapaloob sa Administrative Order No. 3, na nagbabawal sa "pagbili at paggamit" ng lahat ng agency heads, kabilang ang mga government corporations at education institutions.
Inaatasan ang mga opisyal na ito na "isuko" ang kanilang luxury vehicles.
Gayunman, ilang Cabinet members ang bumabalewala sa naturang direktiba at karamihan sa mga ito ay nakikitang gumagamit ng mga mahahaling sasakyan patungo sa Batasan building sa Quezon City kapag dumadalo sa budget hearings.
Ang kanilang mga sasakyan ay Land Cruiser, Pajero at brand new V-6 Nissan Cefiro Broughams. (Ulat ni Malou Rongalerios)