^

Bansa

Extradition vs Aquino, Mancao isasampa

-
Nakatakdang magsampa ng extradition request ang Department of Justice (DOJ) sa Estados Unidos upang mapabalik sa bansa sina Supts. Michael Ray Aquino at Cesar Mancao.

Ayon kay DOJ Secretary Hernando Perez, masusing pinag-aaralan ngayon ng prosecution ang gagawing pagsasampa ng extradition case laban sa dalawang dating opisyal ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) na sangkot sa pagpatay kay PR man Salvador "Bubby" Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.

Sinabi ni Perez na tinitiyak pa ng DOJ kung kasalukuyan pa rin nagtatago sa New Jersey si Aquino habang si Mancao naman ay nasa Canada na.

Ito umano ang nagiging dahilan kung bakit natatagalan ang pagsasampa ng nasabing kaso laban sa dalawa. (Ulat ni Grace Amargo)

AQUINO

AYON

CESAR MANCAO

DEPARTMENT OF JUSTICE

EMMANUEL CORBITO

ESTADOS UNIDOS

GRACE AMARGO

MICHAEL RAY AQUINO

NEW JERSEY

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

SECRETARY HERNANDO PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with