^

Bansa

Lokohan daw: 'Who wants to be a millionaire' sisiyasatin

-
Nakatakdang magsagawa ng imbestigasyon ngayon ang National Telecommunications Commission (NTC) sa sikat na programang "Who Wants To Be A Millionaire" matapos dumagsa ang maraming reklamo mula sa mga subscriber ng Smart at Talk ‘n Text na niloloko lamang umano ang mga gustong sumali dito habang tumitiba ng milyon-milyong piso ang promoters nito.

Base sa reklamo ni Felix Ocampo, ng Mandaluyong City kay Transportation and Communications Secretary Pantaleon Alvarez, isa umano ang kanyang anak sa nagtangkang sumali sa naturang kontes at nakaubos ng P1,000 sa prepaid ngunit hindi nakapasok bilang contestant.

Sinabi ni Ocampo na sumisingil ang mga promoter nito ng P9 kada minutong tawag sa kanilang premium line na 1-908-1000000.

Kung meron umanong milyong subscribers na tumatawag sa linya sa isang araw, ibig umanong sabihin nito ay nagkakamal ng milyun-milyong piso ang mga promoter nito na barya lamang kung ikukumpara sa ibinibigay nilang premyo.

Agad nang inutusan ni Alvarez ang NTC na magsagawa ng imbestigasyon dahil sila ang ahensiyang may regulatory powers pagdating sa linya ng telepono. Makikipag-unayan naman ang NTC sa Department of Trade and Industry (DTI) dahil ito ang may authority sa permit ng naturang game show.

Ang WWTBAM ay napapanood sa IBC-Channel 13, limang araw kada linggo tuwing alas-8:30-9:30 ng gabi. Mayroon itong 15 katanungan na nararapat sagutin ng contestant sa tulong ng tatlong lifeline nito, ang "Ask the Audience, 50-50 at Call a Friend."

Sa kasalukuyan, isang contestant pa lamang ang nakakakuha ng P1 milyong premyo at wala pang nag-uuwi ng jackpot na P2 milyon. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALVAREZ

ASK THE AUDIENCE

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

FELIX OCAMPO

MAKIKIPAG

MANDALUYONG CITY

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS SECRETARY PANTALEON ALVAREZ

WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with