^

Bansa

Coup plot ni Nur Misuari nasilat!

-
Naagapan ng pamahalaan ang tangka ni Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) Governor Nur Misuari na bumuo ng isang armadong grupo para mabawi ang pamumuno ng Moro National Liberation Front (MNLF) na ngayon ay hawak ng 15-kataong Executive Council.

Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Eduardo Ermita, tumanggap siya ng impormasyon na diumano si Misuari ay nagtatawag ng kanyang mga taga-suporta para sa kanyang planong bawiin ang kapangyarihan ng ARMM na inalis sa kanya may dalawang buwan na ang nakararaan. Nang alisin kay Misuari ang ARMM ay inakusahan nito ang Malacañang na may kagagawan ng pagpapatalsik sa kanya at pagtatalaga sa 15-man MNLF Executive council na pinamumunuan ni Presidential Assistant for Muslim Affairs Dr. Farrouk Hussein.

Gayunman, sinabi ni Ermita na sa kabila ng balitang ito, bilang public official ay gumaganap ng kanyang tungkulin si Gov. Misuari.

"He has not done any over acts that prove he was really girding to stir destabilization in the area," pahayag ni Ermita.

Kamakailan ay nagkaroon ng Moro Congress sa Jolo na dinaluhan ng mga ambassador ng Malaysia at Libya at mga miyembro ng MNLF para ipakita ang suporta nila sa bagong pamunuan ng MNLF. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION

DR. FARROUK HUSSEIN

ERMITA

EXECUTIVE COUNCIL

GOVERNOR NUR MISUARI

LILIA TOLENTINO

MISUARI

MORO CONGRESS

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

MUSLIM MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with