^

Bansa

Paggamit ng US sa dating military bases di kailang

-
Tiniyak kahapon ng isang mambabatas na hindi na kailangan pang dumaan sa Kongreso ang pag-aapruba para magamit ng Estados Unidos ang dating mga base militar sa Pilipinas sakaling maganap ang digmaan.

Ayon kay House Deputy Speaker Raul Gonzales, maaaring gamitn ng US ang dating mga base militar nila sa Pilipinas tulad ng Clark Airport at Subic Naval Base sa kanilang refuelling purposes.

Subalit, binigyan-diin naman ng mambabatas na ito ay para lamang sa mga nabanggit na dahilan at hindi puwedeng gamitin bilang staging point ng mga eroplano para mambomba sa terorista.

Dagdag pa rito, kung magpapalabas ng resolusyon ang United Nations Security Council na suportahan ang US sa pakikipagdigma laban sa terorismo ay kailangang tumalima ang Pilipinas dahil miyembro din ang bansa ng UN.

Sinabi ni Gonzales na dapat tiyakin ng pamahalaang Pilipinas na moral at logistical support lamang ang maaaring maitulong ng bansa sa US dahil sa may sarili ring problema ang bansa sa rebelde at komunista kasama na ang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon naman kay Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada Jr., bagaman at puwedeng gamitin ng Amerika ang dating military base, dapat pa ring tiyakin ng Malacañang na hindi magiging permanente ang pagtigil ng mga Amerikano dito sakaling matuloy ang digmaan.

Inamin ni Lozada na walang magagawa ang Pilipinas kundi ipagamit ang mga dating base militar dahil sa mutual defense treaty sa pagitan ng dalawang bansa.

Idinagdag pa nito na hindi na dapat magpadala ng mga sundalong Pilipino sa Amerika upang tumulong sa ilulunsad nilang giyera laban sa mga terorismo.

Kulang na umano ang Pilipinas sa mga sundalo at marami ring problemang kinakaharap ang militar na dapat unahin ng pamahalaan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ABU SAYYAF GROUP

AMERIKA

APOLINARIO LOZADA JR.

AYON

CLARK AIRPORT

ESTADOS UNIDOS

HOUSE DEPUTY SPEAKER RAUL GONZALES

MALOU RONGALERIOS

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with